Skip to main content
  1. Faith Blog/

Just Like Jehoshaphat

Just like Jehoshaphat

First Sunday of August, last month, absent ako. Di ako nakadalo ng morning at afternoon service dahil nagkasakit ako. Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko at may lagnat pa rin ako na nagsimula pa noong gabi ng nakalipas na araw. Mabigat rin ang pakiramdam ko kaya nagpahinga na lang ako.

Paggising ko ng tanghali, wala na ang sakit ng ulo ko pero nilalagnat pa rin ako. Bumangon ako at kumain bago uminom ng gamot at muling nagpahinga. Nagising muli ako nang mga alas dos na. Naisip ko na sa mga oras na ‘yon dapat nasa church ako at nakakalungkot dahil nasa bahay lang ako.

Friends that refreshes your soul
#

May pakiramdam ako na dadalawin ako ng mga churchmate ko pero binalewala ko ‘yon. Almost every Sunday after service kasi, mayroon kaming “stay and connect” na tinatawag. Ginagawa namin ‘yon sa bahay ng churchmates namin pero ‘yong version namin, overpowered kasi umaabot kami ng hanggang gabi. May usapan at kuwentuhan tungkol sa ministry at discipleship, mga testimony, at tugtogan at kantahan. Doon na rin kami nakakapag hapunan bago kami ihatid nila pauwi.

Sabi ng iba, wala raw kaming kapaguran. Ang totoo ay napapahod rin kami physically pero busog na busog kami spiritually! Para sa’kin, every stay-and-connect namin ay isang wonderful experience dahil napapalakas nila ako ispiritwal.

“Sweet friendships refresh the soul and awaken our hearts with joy, for good friends are like the anointing oil that yields the fragrant incense of God’s presence.” (Proverbs 27:9 TPT)

Joy in reading God’s word
#

Katulad ng hinala ko ay dinalaw nga nila ako kinahapunan non sakay ng tricycle at niyaya na pumunta ng VRC (Vietnamese Residents Community) sa Bancao-bancao. May sinat pa ako that time pero nahiya na akong tumanggi sa kanila. Bumaba kami sa isang kanto at naglakad papuntang VRC at doon ay may hindi patapos na proyekto. Karugtong daw ito ng Baywalk. Doon kami tumambay.

Nagkwento ang new head ng music team namin about sa current situation ng team. Itatago ko na lang siya sa alyas na ‘Kuya JM’. Nabanggit niya na ang pag-aaralan ng lahat ng myembro ng music team ay ang istorya ni Jehoshaphat kaya dapat basahin daw namin ang 1st and 2nd Chronicles.

Sa pagkakatanda ko’y nabasa ko na ‘yon noon sa 2nd Chronicles. Hindi ko nga lang matandaan kung aling chapter at di ko na rin maalala ang kwento ni Jehoshaphat. Dahil nagba_backup singer_ ako minsan at lyrics operator, part ako ng music team at kailangan ko magbasa ng dalawang libro. Sa isip isip ko, ang dami no’n at alam kong hindi kami lahat magbabasa ng ganoon kahaba.

Pabiro kong sinabi kay Kuya JM na itatanong ko na lang sa AI ang kwento ni Jehoshaphat since talamak naman ito sa panahon ngayon. Ngunit pagkasabi ko non ay nalungkot o nadismaya ang mukha niya sabay umiling iling nito.

Kinabukasan, araw ng lunes, naalala ko ang pangyayaring iyon. Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang mukha ni Kuya JM after ng biro kong ‘yon. Dumating ang Martes, muli ko na naman iyon naisip kaya pagdating ng gabi, after ko maghapunan, nagsimula na akong magbasa.

Inabot ako ng ala una ng madaling araw sa pagbabasa at nasa kalahati pa lang ako ng 1st Chronicles. Nagpahinga ako at itinuloy ang pagbabasa kinabukasan ng tanghali. Tiniyaga ko ang first 9 chapters na puro genealogy. Paglagpas doon ay hindi ko akalaing ma-e-enjoy ko ito na basahin dahil namangha ako sa sistema na meron sila sa kaharian at militar.

Dumating ang araw ng Huwebes at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Sa 2nd Chronicles na ako, at nagulat ako sa sarili ko dahil sa tuwing nagdiriwang ang bayan ng Diyos ay nagdiriwang rin akong kasama nila, at sa tuwing puro kasamaan ang nagyayari buhat ng kanilang pagsuway ay nalulungkot at naiinis rin ako sa kanilang hari. Naiimagine ko ang mga pangyayari na tila ba nanunuod ako ng pelikula sa isipan ko.

“When your words came, I ate them; they were my joy and my heart’s delight, for I bear your name, Lord God Almighty.” (Jeremiah 15:16 NIV)

Joy in sharing God’s word
#

Sabado, pumunta kami sakay ng motor sa birthday ng isang kabataan naming myembro, habang pabalik ng church para sa praktis ng music team, nakakwentuhan kami sa biyahe ng churchmate ko about sa pagbabasa ng Chronicles. Pareho kami na may joy habang nagkukwento about sa experience namin ng pagbabasa non.

Nang matapos ang praktis ng music team, excited na akong mag_share_ about kay Jehoshaphat at sa pagbabasa ko pero hindi na natuloy dahil ginabi na kami. Nalungkot naman ako konti dahil don.

Dumating ang araw ng linggo, umaga bago ang service, bumuo kami ng circle at nagtanong si Kuya JM kung anong natutunan namin tungkol sa istorya ni Jehoshaphat. Isa-isa kaming sasagot. Habang sinasabi niya ‘yon ay kitang-kita ko ang excitement sa mga mata niya na ikinatuwa ko naman dahil noong time na ‘yon ina-uplift ko pa ang spirit ko.

“…Because we loved you so much, we were delighted to share with you not only the gospel of God but our lives as well.” (1 Thessalonians 2:8 NIV)

The actual war
#

Bago kasi ako non makarating ng church, sakay ng multicab ay bigla na lamang ang pagtambol ng dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nagpapawis din ang mga palad ko. Mayroong bridge ng isang kanta na nag_stuck_ sa utak ko.

“I will not fear, I will not fear when the enemy comes near. At the doorframe of my life is the blood of Jesus Christ.” (Lyrics from ‘Mighty Name Of Jesus’ by The Belonging Co. featuring Hope Darst)

Noong mga sandaling ‘yon, hindi ko matandaan kung anong title nyon. Iniulit-ulit ko na lang ‘yon sa utak ko hanggang sa kumalma na ako. (Ngayon, ang kantang ‘yon ay naging warfare o battle song ko na)

Kaya noong turn ko na para mag_share_, dahil na rin sa nangyari sa’kin non sa multicab, naging mas makatotohanan sa’kin ang pagkukwento about kay King Jehoshaphat during sa battle nya against the people of Ammon, Moab, and Mount Seir. Ganoon ka powerful ang praise and worship pagdating sa labanan, and in our case sa spiritual battle natin.

He said: “Listen, King Jehoshaphat and all who live in Judah and Jerusalem! This is what the Lord says to you: ‘Do not be afraid or discouraged because of this vast army. For the battle is not yours, but God’s. Tomorrow march down against them… You will not have to fight this battle. Take up your positions; stand firm and see the deliverance the Lord will give you, Judah and Jerusalem. Do not be afraid; do not be discouraged. Go out to face them tomorrow, and the Lord will be with you.’ ” ( 2 Chronicles 20:15-17 NIV‬ )

Panapos
#

Sa blog post ko na ’to, mayroong tatlong bagay ang maiiwan ko sa’king mga mambabasa. Una, spiritual warfare is real, and so are spiritual weapons: fasting, prayer, praise, and worship, katulad ng ginawa ni King Jehoshaphat (2 Chronicles 20:3-12, 18-19) dahil may mga laban tayo na ang Diyos ang makikipaglaban para satin.

Pangalawa, mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan na magpapalakas, dadamay at gagabay sa’yo espirituwal. Katulad ni King Jehoshaphat, bago siya makidigma, he seeks counsel sa Diyos at sa mga propeta ng Diyos (2 Chronicles 18:4-27).

Pangatlo, there’s joy in reading and sharing the word of God kaya ‘wag tayong tamarin magbasa ng Bible tapos aasa tayo sa social media at artificial intelligence na magtuturo sa atin ng salita ng Diyos. Gamitin natin ito ng tama. Pinapadali nila ang mga trabaho natin pero hindi nito mapapalitan ang personal time at relationship mo with God.

Kung susunod tayo sa Diyos tulad ni Jehoshaphat ay papatnubayan tayo nito. Noong bago palang ang paghahari ni King Jehosaphat ay nagtaga siya ng mga lider na mangangaral ng salita ng Diyos at dahil dito nagkaroon ng takot sa Diyos ang lahat ng mga kaharian palibot ng Judah (2 Chronicles 17).

God bless us all, po!