
By Joemarie Sapansa Montales October 04, 2025
🕊
Sabado, ika-4 ng Oktubre taong 2025, eksaktong alas singko y media ng umaga nang gisingin ako ng aking butihing asawa mula sa aking pagkakatulog upang maglakad lakad na araw-araw na naming nakagawian ng gawing mag-asawa tuwing umaga. Umikot lamang kami mula bahay hanggang Princesa Garden sa Jacana.
Habang naglalakad ay ikinuwento ko sa aking asawa ang napanaginipan ko noong mismong araw na ‘yon bago niya ako ginising.
Nasa labas ako at ang aking asawa ng aming munting tahanan nang mapansin kong may bagay na kumikilos sa itaas. Mga nasa tatlong palapag na bahay ang layo nito at lumilibot sa paligid namin.
Di ko namalayan ang unti-unti nitong pagbaba sa harapan namin. Nakita ko ang mga ulap na sinlaki lamang ng palad. Nakapalibot ito sa isang puting folder at isang aklat na may nakaimprentang design o larawan.
Tinuro ko ito ng makahinto ito sa aming harapan at aking kinuha ang aklat. Doon ko nakita ng malapitan ang larawang nakaimprenta dito. Ito ay ang sikat na sikat na palabas ngayon, ang “K-Pop Demon Hunters.” At sa may bandang ibaba nito, napansin ko ang maliit na gintong kwadrado na sinlaki lamang ng gold plate ng SIM card.
Bigla namang lumipat ang panaginip ko sa loob na ng aming tahanan kung saan ay mahimbing na natutulog ang dalawa kong mga anak—isang 7-taong gulang na lalaki at isang 3-taong gulang na babae—sa aming kama. Katapat nito’y ay ang aming telebisyon.

Nakatayo kami ng misis ko sa pintuan ng aming kwarto. Samantalang, pagbaling ko sa harapan ng telebisyon ay natagpuan kong nakatayo roon mismo ang isang babae at isang lalaki na anime itsura. Silang dalawa’y nagbubulungan habang na nakaturo sa aking mga anak.
Doon na natapos ang aking panaginip. Sinalaysay ko itong lahat sa misis ko.
Lilinawin ko lamang na hindi ko napanuod ang naturang palabas ngunit napanuod ito ng aking misis. At ayon sa kanyang interpretasyon ng aking panaginip, ang mga ulap ay tumutukoy sa mga kaluluwang kinukuha ng mga demonyo (na naroon sa palabas) at ang ginto na nasa cover ng aklat ay tumutukoy sa pamagat ng isa sa mga awitin ng naturang palabas na ‘yon: ang kantang “Golden.”
Ito’y isang babala mula sa Diyos para sa aking pamilya. Ibinabahagi ko ito upang maging babala rin sa lahat ng mga magulang para sa kanilang mga anak.
